Gordon: Utang ng PhilHealth sa Red Cross, lumobo sa halos P1-B

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PRC chair Sen. Richard Gordon

Inihayag ng Philippine Red Cross (PRC) noong Lunes na lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) sa halos P1 bilyon sa ikalawang pagkakaton nang hindi mabayaran ng ahensya ang utang nito matapos ang bawat test.

Unang sinabi ng PhilHealth – na nangakong tutustusan ang Covid-19 testing ng mga frontliners – na babayaran nito ang utang sa PRC “strictly 3 days after each swab is conducted.”

“The Covid-19 swab testing debt of PhilHealth to the PRC is almost P1 billion again,” giit ni PRC chair Sen. Richard Gordon sa isang tweet.

Dagdag pa nito, “We’re biting our nails in hopes that they settle their dues before this becomes a ‘Part 2’ of the issue.”

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte “na lahat ng pagkakautang ng PhilHealth pagdating sa PCR test will be paid.”

“Going by the track record of PhilHealth, nagkakautang, nagbabayad naman po,” dagdag pa ni Roque.

Noong nakaraang taon, pansamantalang ipinahinto ng PRC – ang pinakamalaking Covid-19 tester sa bansa – ang operasyon nito ilang araw matapos hindi nabayaran ng PhilHealth ang P1.1-bilyong utang nito.

Sumang-ayon naman ang PRC na ibalik ang testing matapos magbuo ng kasunduan sa PhilHealth na babayaran nito ang kalahati ng utang, nang hindi aabot nang isang linggo matapos isagawa ang bawat swab test.

“Kung wala kaming pangtakbo ng operasyon at pambayad sa doctors at medtech, titigil ang testing at hindi natin matutulungan ang mga kapwa Pilipino natin,” ani Gordon.

Dagdag pa nito, “It would be best if PhilHealth settles its dues on time because it’s the Filipino people who will lose.”

Hinikayat din ng senador ang PhilHealth na ayusin ang mga problemang panloob ng ahensya bago magsulong ng hike para sa kontribusyon ng mga miyembro nito.

Aniya, “Bago magtaas ng contributions ang PhilHealth, dapat linisin muna nila ang bahay nila.”

“Ang daming korapsyon diyan. It’s a highway of crime which we’ve been investigating in the Senate Blue Ribbon since September 2019,” paliwanag nito.

LATEST

LATEST

TRENDING