Yorme for president? Isko, iginiit na nakatuon ang kanyang atensyon sa Maynila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso

Inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Linggo na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections, at sinabing nakatuon ang kanyang atensyon sa Lungsod ng Maynila at ang paglaban nito sa Covid-19 pandemic.

Kabilang ang alkalde sa mga unang posibleng kakandidato sa pagkapangulo sa susunod na halalan, batay sa isang survey ng Pulse Asia. Bagama’t “nagpapasalamat” na naging bahagi ng listahan, idiniin ni Yorme na magpopokus siya sa “realidad” na kinakaharap ng bansa sa ngayon.

Aniya, “Thank you very much sa inyo dahil sinasama niyo ako. It’s an honor.”

“But let us just go back to reality. Reality is there’s [a] pandemic,” giit ng alkalde.

“More than political growth or career growth no… Hindi ko talaga siya ine-entertain. I would rather focus on Manila, and focus on the pandemic. If we can offer a lot of things to ease the burden, the effects of this pandemic to the lives of every family in the city of Manila, I will do so,” dagdag pa ni Moreno.

Ayon sa nasabing Pulse Asia survey na inilabas noong nakaraang linggo, kabilang si Moreno sa top five frontrunners para sa 2022 presidential elections, kung saan kasama rin sina Davao City Mayor Sara Duterte, dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Senadora Grace Poe.

Hinikayat naman ni Moreno ang mga kapwa opisyal na nasama sa listahan na pagtuunan ng pansin ang isinasagawang Covid-19 response ng bansa.

Aniya, “We, those names who were included in that survey should continue to focus on the pandemic. I think the most important thing nowadays is what are we going to do today, and what are we going to do in the next first quarter in the incoming vaccine.”

LATEST

LATEST

TRENDING