Mga residente ng Maynila na nag-Pasko at Bagong Taon sa labas ng NCR, kailangang magpa-swab test

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Ang mga residente ng Maynila na nag-Pasko at Bagong Taon sa labas ng National Capital Region ay kinakailangang magkaroon ng negatibong Covid-19 test result bago makauwi, ayon sa city government noong Sabado.

Ipinagbigay-alam ito sa mga barangay officials noon pang Disyembre 22 ayon sa isang memorandum na nilagdaan ni Acting City Health Officer Arnold Pangan. Sa ilalim ng kautusan, ang mga residenteng magsisipagbalikan ng Maynila sa Enero 2 ay kinakailangang sumailalim sa swab test o real-time reverse-transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test, na itinuturing na gold standard sa pag-detect ng coronavirus.

Ang mga magsisipagbalikan ay dapat manatili sa designated quarantine facilities habang hinihintay ang test results. Ang mga nagnegatibo lamang ang papahintulutang makaalis, habang ang mga magpopositibo naman ay magpapatuloy sa quarantine, ayon sa memorandum order.

Ayon naman kay Julius Leonen, pinuno ng public information office ng city government, ang mga nagpalipas ng isang gabi sa labas ng Metro Manila ay hindi kinakailangang magpa-test subalit hinihikayat. Ang mga bumisita naman sa mga lugar sa loob ng NCR ay hinihikayat ding sumailalim sa swab test.

Libre lamang ang mga tests para sa mga residente.

Nakapagtala na ang lungsod ng kabuuang 24,948 confirmed cases ng Covid-19 simula nang manalasa ang pandemiya. Sa bilang na ito, 750 ang nasawi habang 23,900 ang gumaling, para sa natitirang 298 active cases.

LATEST

LATEST

TRENDING