Liquor ban at curfew sa Davao City, pinalawig hanggang Enero 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Davao City Mayor Sara Duterte

Pinalawig ng Lungsod ng Davao ang umiiral na 24-hour liquor ban sa siyudad hanggang sa dulo ng buwan bilang kabahagi ng mga hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

Nilagdaan ni Davao City Mayor Sara Duterte noong nakaraang linggo ang Executive Order No. 55-B na nagbibigay ng guidelines para sa extension ng 9 p.m. to 4 a.m. na curfew sa lungsod. Sa isa pang kautusan, o EO No. 59, muling ipinatupad ang 24-hour liquor ban.

Noong Nobyembre 2, ipinatupad ni Duterte ang 24-hour liquor ban upang mapigilan ang exposure ng mga residente sa Covid-19 mula sa “unbridled drinking sessions.”

Muling ipinatupad naman ang curfew nang ibalik sa general community quarantine ang Davao City noong Nobyembre 20.

Noong Disyembre, kabilang ang Davao City sa top areas ng bansa na nakapagtala ng matataas na Covid-19 cases kada araw.

Nagbabala naman ang alkalde sa mga restaurants, sari-sari stores, at kaparehong establisyimento sa umiiral na “one-strike rule,” kung saan agarang ipasasara ang anumang establisyimentong lalabag sa liquor ban.

Sumasailalim din sa regulasyon ang mass gatherings habang ipinagbabawal ang non-essential travel sa lungsod hanggang Hunyo 30, 2021.

LATEST

LATEST

TRENDING