Drilon, nais ipatawag ang PSG Commander sa Senado tungkol sa unregistered Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate Minority Leader Franklin Drilon

Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dumalo ang pinuno ng Presidential Security Group sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa mga nakapasok na unregulated Covid-19 vaccines sa bansa.

“The PSG Commander must be called and must appear in the investigation of the Committee of the Whole to shed light on this issue… The most important ‘who’ and ‘how’ of the story remain a mystery. The PSG commander is deliberately withholding the basic questions of who and how from the public,” pahayag ni Drilon sa isang press release noong Huwebes.

Idinagdag ni Drilon na puro “alibis, excuses and lies” lamang ang ibinigay sa publiko.

“Who else was involved? How did unregistered COVID-19 vaccines enter the country? Who imported it from China?” diin ni Drilon.

Sa isang panayam noong Martes sa CNN Philippines, naging tikom ang bibig ni PSG Commander Jesus Durante III tungkol sa source ng bakuna.

Aniya, “We identified the vaccine that we like to use for our personnel. There is actually a donor, but I could not disclose whoever he is.”

Ayon kay Durante, nagsagawa umano ang PSG ng independent research sa kung anong bakuna ang kukunin. Subalit, hindi nito ibinunyag ang pangalan ng bakunang kanilang ginamit upang hindi makaapekto sa procurement program ng pamahalaan.

Bagama’t hindi aprubado ang pagbabakuna sa ilang miyembro ng PSG, iginiit ni Durante na “in good faith” ang kanilang isinagawang hakbang.

Samantala, tatlong ahensya ang nagsabing iniimbestigahan ng mga ito ang paggamit ng smuggled vaccines: Ang Food and Drug Administration, Bureau of Customs, at National Bureau of Investigation. 

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi kinonsulta ang FDA at Department of Health tungkol sa paggamit ng mga nasabing bakuna.

Unang sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nanggaling sa donasyon ang mga nasabing bakuna habang idinidiin na hindi dapat ito pagtuunan ng pansin sapagkat pawang mga “tokens” lamang ang mga nasabing doses.

Subalit, binigyang diin ni Domingo na kahit ang mga donated vaccines ay kinakailangang kumuha ng clearance mula sa DOH at FDA, kung saan hindi ito naisakatuparan.

Sa ilalim ng FDA Act, ang mga mag-iimport, magbebenta, o magbibigay ng anumang unregistered health product ay maaaring makulong o pagmultahin. Hindi pinaparusahan ng batas ang mga taong naturukan ng mga unregistered vaccines. Subalit, kakasuhana ang mga nag-import, nagbenta, at nag-distribute ng mga ito.

LATEST