Kongresista, nais bigyan ng special powers si PRRD upang pabilisin ang Covid-19 vaccine rollout

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Isinusulong ng isang mambabatas ang paggawad ng special powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang pabilisin ang procurement at alisin an mga balakid sa isasagawang Covid-19 vaccination program ng bansa.

Sa ilalim ng House Bill No. 8285 o Bayanihan sa Bakuna Act, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na: “there should be no delay in procuring the vaccines, especially since they are now available globally.”

“All channels – political, diplomatic, commercial – should be used to procure them expeditiously and without undue delay,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng awtoridaad si Duterte upang i-exempt sa procurement laws ang procurement ng mga bakuna. Kinakailangan ding magkaroon ng mandatoryong immunization program para sa healthcare workers at sagutin ang kanilang medical bills sakaling ma-expose sa virus, kabilang ang side effects ng pagbabakuna. Dapat ding makipagkoordinasyon ang pamahalaan sa Philippine Red Cross sa implementasyon ng programa, i-liberalize ang pagbibigay ng tax incentives sa vaccine importation; gumawa ng savings mula sa hindi ginagamit ng pondo at gastusin sa pagbili ng bakuna; at maglaan ng pondo ng government-owned and controlled corporations at national agencies para sa procurement.

Layunin din ng panukalang pabilisin ang pagproseso sa requests ng pribadong sektor hinggil sa importation ng mga Covid-19 vaccines, at pangasiwaan ang request ng local government units na mag-procure ng bakuna, basta’t hindi makikipagkumpitensya sa national level.

Ang Phase IV requirement para sa vaccine approval ay maaari ring alisin batay sa ilang mga kondisyon, ayon kay Salceda. Ang Food and Drug Administration (FDA) naman ay bibigyang awtoridad na aprubahan ang mga bakunang matagumpay na na-test sa mga Pilipino abroad.

Pinapayagan din ng bill ang Foreign Affairs Secretary na gamitin ang diplomatic channels upang pabilisin ang procurement, at iba pang mapagkukunan ng pondo na gagamitin para sa pagbili ng bakuna.

Sa ilalim ng 2021 national budget, ₱72.5 bilyon ang inilaan para sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid-19. Samantala, ang Janssen Pharmaceuticals Company ng Johnson and Johnson ay ang kauna-unahang Covid-19 vaccine marker na magsasagawa ng clinical trial sa bansa matapos itong pumasa sa final regulatory review ng FDA.

LATEST

LATEST

TRENDING