Pacquiao, nanguna sa 2022 senatorial survey ng Pulse Asia

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Manny Pacquiao

Nanguna si Sen. Manny Pacquiao sa listahan ng mga pinipiling tatakbo bilang senador sa 2022 general elections, ayon sa isang Pulse Asia survey noong Huwebes.

Nakatanggap si Pacquiao ng 62.1-percent voter preference, ayon sa Pulse Asia.

Kabilang sa mga patok na pangalan para sa pagka-senador ay ang broadcaster na si Raffy Tulfo (2nd to 3rd places), Davao City Mayor Sara Duterte (2nd to 4th places) at Manila City Mayor Isko Moreno (3rd to 7th places).

Si Tulfo ay suportado ng 54.3 percent ng mga adultong Pilipino, na sinundan naman ni Duterte sa 50.9 percent, at Moreno sa 48.4 percent.

“Even though the May 2022 elections are still about 15 months away, 58 percent of Filipino adults are already identifying 12 individuals they are inclined to elect to the Senate,” giit ng Pulse Asia.

Kung ginanap ang halalan kasabay nang survey, nasa 4th at 7th places naman sina Sorsogon Governor Chiz Escudero (46.7 percent) at Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (46 percent).

Kabilang din sa umano’y winners’ circle sina Antique Rep. Loren Legarda (45.6 percent) at dating senador Bongbong Marcos (41.8 percent), na nasa 4th to 8th, at 7th to 9th places.

Sinundan naman ang mga ito ng mga senador na sina Ping Lacson (8th to 10th places) na may voter preference na 38.2 percent, at Juan Miguel Zubiri (35.7 percent) sa statistical ranking na 9th to 10th places.

Kukumpleto sa listahan sina incumbent senators Sherwin Gatchalian, Francis Pangilinan, Risa Hontiveros at Richard Gordon, dating senador Jinggoy Estrada, at Public Works Secretary Mark Villar.

“Out of 49 probable senatorial bets, 16 have a statistical chance of winning if the said elections coincided with the conduct of survey interviews,” pahayag ng Pulse Asia.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Nov. 23 hanggang Dec. 2, 2020 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 respondents. Mayroon itong ± 2 percent error margin sa 95 percent confidence level.

LATEST

LATEST