Malacañang: Ilang unconstitutional items sa 2021 badyet, vineto ni PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2021 national budget
Kuha ni: King Rodriguez (Presidential Photo)

I-vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang probisyon sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), ayon sa Malacañang noong Martes.

Sa isang virtual presser, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ginamit ng pangulo ang kanyang veto power upang alisin ang ilang unconstitutional items bago pirmahan ang P4.5-trilyong national budget para sa susunod na taon.

“Bilang bahagi ng kaniyang Constitutional mandate na lahat ng batas ay tapat na maipatupad, pinag-aralan ng punong ehekutibo ang mga probisyon ng ating pambansang budget at sinubject sa direct veto ang mga probisyon kontra sa mga nakasaad sa ating Saligang Batas ,” paliwanag ni Roque.

Sinabi ni Roque na vineto ng pangulo ang probisyong nagpapahintulot sa mga ahensya na direktang gamitin ang kanilang income.

Aniya, “Ilan sa dinirect veto ni Presidente ang may kinalaman sa may use of income ng ilang department at ahensiya.”

Ang lahat ng income ng mga ahensya ay kailangang ilagay sa “general fund of the national government, unless otherwise authorized by a separate substantive law.”

“Ibig sabihin lang po nito, dapat lahat ng kinita ng mga ahensiya ay pumasok sa National Treasury at kinakailangan ang paggastos dito ay sang-ayon sa national budget,” dagdag pa ni Roque.

Binigyang diin ng opisyal na ipinag-utos ni Duterte ang episyenteng paggamit sa pondo ng taumbayan, kabilang ang paggastos sa infrastructure-related expenses, implementation ng financial assistance sa local government units (LGUs), implementation ng rice subsidy, at agarang paglalabas at paggamit ng the National Disaster Risk Reduction Management (NDRRM) Fund.

Ipinag-utos din ng pangulo ang pagsunod sa mga umiiral na batas, palisiya, at regulasyon kaugnay ng procurement-related provisions, distribution ng allowances at benefits, paggamit ng Quick Response Fund, pagtukoy sa program beneficiaries, pagtatayo ng evacuation centers, implementation ng service contracting, at pagpopondo sa foreign-assisted projects, atbp.

Binanggit din ni Roque na hinikayat umano ni Duterte ang Kongreso na isulong ang wasto at transparent na management at expenditure ng pondo batay sa sound fiscal policies.

LATEST