Duterte: Sibakan sa PhilHealth, ‘di pa tapos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon pa siyang sisibakin mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). 

Sa isang public address noong Lunes, inihayag ng pangulo na patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaya naman asahan na mayroon pang mga tatanggalin.

Aniya, “Marami na akong sinibak. And sa PhilHealth, there will be another round of dismissal. Kinukumpleto lang nila ‘yung investigation.”

Kamakailan ay ipinag-utos ni PhilHealth President at CEO Dante Gierran ang paghahain ng courtesy resignation sa senior vice presidents ng ahensya alinsunod sa utos ni Duterte na kailangang magkaroon ng balasahan sa PhilHealth. 

Binanggit din ng pangulo na may mga sinibak na rin siya sa puwesto sa iba namang mga ahensya ng pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING