
Halos lahat ng mga Pilipino ay mayroong pag-asa para sa pagsapit ng 2021 bagama’t nasa gitna ng global health crisis, ayon sa resulta ng isang survey.
Sa inilabas na Social Weather Stations survey noong Martes, iniulat nito na 91% ng mga adultong Pilipino ay puno ng pag-asa para sa pagsapit ng Bagong Taon, at 7% naman ang mayroong pangamba.
Isinagawa ng SWS ang survey simula Nobyembre 21 hanggang 25 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adulto.
Noong nakaraang linggo, iniulat ng SWS na 50% ng mga adulto – isang record low – ang umasahang magiging masaya ang kanilang Pasko ngayong taon dahil sa pandemiya.
Batay naman sa income class, ang mga “not poor” at “borderline poor” ay mas may pag-asa sa 94% at 93%.
Mas positibo ang pananaw ng mga taga-Mindanao para sa darating na taon, sa 93%. Bumaba naman ito sa Balance Luzon (92%), Metro Manila (90%), at Visayas (88%). Ang Balance ng Luzon ay tumutukoy sa mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Metro Manila.
“Despite the continuing COVID-19 pandemic and other concerns, Filipinos have a positive attitude as far as the year ahead is concerned,” pahayag ng Pulse Asia.