Metro Manila at 9 na iba pang lugar, mananatili sa GCQ hanggang Enero 31

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi na mananatili ang Metro Manila at siyam (9) na iba pang lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) hanggang Enero 31, 2021.

Sa isang taped public address, sinabi ng pangulo na ang mga lalawigan ng Batangas, Isabela, Lanao del Sur, Davao del Norte, at mga lungsod ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay mananatili sa GCQ hanggang dulo ng Enero 2021.

Ang nalalabing mga bahagi naman ng bansa ay mananatili sa ilalim ng mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ).

Subalit, iginiit ng pangulo na ang community quarantine classifications ay puwede pang i-apela ng mga kinauukulang local government units (LGUs).

Pinaalalahanan din ni Duterte ang publiko na huwag lumabas ng tahanan kung hindi naman kinakailangan.

Aniya, “Stay home if it’s really possible. It’s for your own good.”

LATEST

LATEST

TRENDING