FDA, nagbabalang kakasuhan ang mga distributor ng unathorized Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nagbabala ang drug regulator ng bansa noong Lunes sa mga distributors ng unauthorized Covid-19 vaccines na posibleng kasuhan ang mga ito kung mahuhuli.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, bagama’t isang “personal choice” ang pagpapaturok ng bakuna, ang distribusyon ng mga ito ay iligal pa sa ngayon.

Aniya, “Accepting an injection, there’s nothing that we can do about it, it’s a personal choice. But it is illegal to import an unregistered drug, to distribute it, and for a doctor, for a medical practitioner or any health personnel to administer unlicensed drugs in the country.”

“So if we do catch any of them, we will be filing cases against them,” giit ni Domingo.

Sinabi naman ni Philippine National Police chief PGen Debold Sinas na naghahanda ang mga awtoridad na sugpuin ang mga naiuulat na illegal vaccines sa bansa, kung saan nakausap na niya umano ang FDA kung paano isasakatuparan ang plano.

“May usapan na po kami sa FDA at ginagawa na namin ng paraan para ma-finalize,” ani Sinas sa isang media briefing noong Lunes.

Dagdag pa nito, “Binabantayan na rin po namin but basically kasi kapag mga ganung aspeto we have to coordinate first with the FDA kung licensed.”

Unang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend na “maraming” tao na ang naturukan bakunang Sinopharm galing China. Kinumpirma rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nabakunahan na rin ang ilang mga sundalo.

Ibinalita naman ni Domingo na nagsagawa ng raids sa Makati at Binondo, Manila subalit wala pang naaaresto. Binigyang diin naman nito ang panawagan ng health experts na iwasan ang paggamit ng mga nasabing bakuna sapagkat hindi tiyak ang mga pinanggalingan nito.

Inabisuhan naman ng opisyal ang mga nakatanggap ng unauthorized vaccines na kumonsulta sa kanilang mga doktor.

“It’s a risk that you have taken, you’ve had something injected on your arm, in your body. I do not know what it is,” sabi ni Domingo.

“You have to consult your doctor what your next step is gonna be,” dagdag pa nito.

Sa isang hiwalay na pahayag na inilabas naman noong Lunes ng hapon, idiniin ni Domingo na: “As of date the FDA has not issued any emergency use authorization to any vaccine for COVID-19. Without the proper authorization, there is no guarantee on the safety, quality and efficacy of said vaccine as the same has not undergone the required technical evaluation by the FDA.”

Aaprubahan lamang aniya ang mga bakuna kung pumasa na ito sa standards ng ahensya.

“We will concentrate on making sure that only vaccines that pass standards will be made available to the public,” dagdag pa ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING