Duterte, ipinag-utos ang pagbibigay ng ₱3,000 gratuity pay sa contractual, job order gov’t workers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Naglabas ng administrative order ang Malacañang na layuning bigyan ang mga contractual at job order workers sa pamahalaan ng one-time gratuity na hindi tataas ng ₱3,000 para sa kanilang serbisyo ngayong taon.

Inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang Administrative Order No. 38 na sumasaklaw sa mga informal workers sa national government agencies, state universities and colleges, government-owned or controlled corporations, at local water districts.

Ang mga contractual at job order workers ay hindi nakatatanggap ng personal economic relief allowance, mid-year at year-end bonuses, at performance-based bonus.

Ang nasabing one-time pay ay ibibigay sa mga manggagawang nakapagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan at mayroong “satisfactory” performance sa serbisyo as of December 15 ngayong taon.

Subalit, ang mga nagserbisyo naman nang hindi aabot nang apat na buwan ay makatatanggap pa rin ng gratuity pay sa pro-rata basis.

Maximum na ₱2,000 ang ibibigay para sa mga nakapagtrabaho nang tatlong buwan at hindi aabot nang apat na buwan; hindi tataas nang ₱1,500 para sa mga nagtrabaho nang dalawang buwan subalit hindi aabot nang tatlong buwan; at hindi tataas nang ₱1,000 para sa mga nagserbisyo nang hindi aabot nang dalawang buwan.

Kukunin ang gratuity mula sa operating budget ng kinabibilangang ahensya.

Sakaling magkulang ng pondo, maaari namang humiling ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management na ibabawas sa agency savings, at kailangang aprubahan ng pangulo.

Hinikayat din ni Duterte ang mga local government units na bigyan ng gratuity pay ang kanilang mga informal workers.

LATEST

LATEST

TRENDING