DOH at RITM, itinangging naglabas ng mga expired na Covid-19 test kits

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Tinanggihan ng Department of Health at ng Research Institute for Tropical Medicine na namahagi ito ng expired na Covid-19 test kits sa kahit anumang testing center sa bansa.

Inihayag ng DOH noong Lunes na: “based on delivery records and documents, no expired testing kits were released to any laboratory.”

Binigyang diin din ng ahensya na ang mga testing kits ay mayroong shelf life na 6 months mula sa date ng manufacturing, kumpara sa mga gamot na may 3-5 years. Agaran itong dapat gamitin sapagkat ang transportation, iba pang proseso, at factors tulad ng machine compatibility, technical issues, at mababang testing referral count ay nakababawas na sa buhay nito.

Ito ay matapos sabihin ni Baguio City Mayor at Contact Tracing czar Benjamin Magalong na may isang diagnostic center sa lungsod na nakatanggap aniya ng libu-libong near-expiry RT-PCR test kits mula sa RITM noong Oktubre. Nakatanggap din umano ang iba pang mga local government units.

Upang tugunan ang isyu, sinabi ng DOH na binuo ang isang Covid-19 Laboratory Network Project Management Unit, kung saan inilunsad ang bagong Information Management System na magde-develop ng mas episyenteng logistics process, habang tinitiyak na hindi mahahadlangan ang suplay ng mga nasabing test kits.

LATEST

LATEST

TRENDING