AFP: PSG, nabakunahan na kontra Covid-19 para ‘protektahan’ si Duterte

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang kauna-unahang naturukan ng Covid-19 vaccine sa hanay ng militar, upang “maprotektahan” si Pangulong Rodrigo Duterte, pahayag ng Armed Forces of the Philippines noong Lunes.

Hindi naman ibinunyag ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo kung anong mga bakuna ang ginamit ang kung ilan ang naturukan nito.

“Because the safety of the President equates to national well-being, that security posture should necessarily include protecting the Commander-in-Chief from contracting the deadly virus from those he is constantly exposed to like the members of his security detail,” ani Arevalo.

Unang sinabi ni Arevalo sa Laging Handa briefing na kinakailangan pa nilang iberipika ang mga ulat hinggil sa vaccination at idiniing walang “AFP-sanctioned inoculation” sa mga miyembro nito.

Sinabi naman ni Duterte nitong weekend na maraming Pilipino, kabilang na ang ilang mga sundalo, ang nakatanggap na ng unregulated Chinese vaccine na Sinopharm, kung saan wala pa itong regulation mula sa Food and Drug Administration.

Pinasalamatan naman ni Arevalo si Duterte para sa pagpapabilang sa mga sundalo sa unang mga grupong makakukuha ng bakuna kasunod ang health workers, senior citizens, at indigent population sa bansa.

Aniya, “We are thankful sa sinabi ng Pangulo na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay bahagi po ng unang bibigyan ng bakuna dahil sa katotohanan, ang myembro ng AFP ay kasama sa mga frontliners.”

Naunan ring inihayag ni Philippine Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na ilang mga sundalo ang nabakunahan na kontra Covid-19, bagama’t hindi pa ito natuturukan.

“Hindi ko maibigay ang accurate number [ng naturukan] but I confirm that some of our members ang nabakunahan…” sabi ni Sobejana.

Nang tanungin kung ang vaccination ay desisyon ng mga nakatataas sa AFP o Malacañang, sinabi nitong: “First, our President is our commander in chief sa Armed Forces of the Philippines. I should say it’s from the chain of command of the Armed Forces.”

Dinipensahan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang paggamit ng mga hindi rehistradong bakuna ng mga sundalo at sinabing nanggaling ito sa donasyon mula sa unidentified source.

LATEST

LATEST

TRENDING