Pfizer, nag-apply ng emergency use authorization sa PH para sa Covid-19 vaccine nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Nagsumite ng aplikasyon sa bansa ang US-based drug manufacturer na Pfizer para sa emergency use authorization (EUA) ng ginawa nitong Covid-19 vaccine, pahayag ng Malacañang noong Sabado.

“It will take FDA 21 days to evaluate and approve the EUA but vaccination would start as soon as stocks become available,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang nasabing Pfizer vaccine ay kasalukuyan nang ipinamamahagi sa mga mamamayan ng Estados Unidos. Ito ang kauna-unahang bakunang nakatanggap ng emergency use authorization mula sa US Food and Drug Administration, na may 95% efficacy rate matapos ang dalawang doses na ibinigay sa pagitan ng ilang linggo.

LATEST