Malacañang: Approval ng PH para sa Pfizer Covid-19 vaccine, ‘halos automatic’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Dado Ruvic/Illustration/Reuters

Ang approval ng Pilipinas para sa emergency use ng Pfizer at BioNTech Covid-19 vaccine ay halos “automatic,” giit ng Malacañang noong Linggo.

Nagsumite ang nasabing kumpanya ng aplikasyon para sa emergency use authorization noong Disyembre 23, ayon kay Philippine Food and Drug Administration director Eric Domingo.

“Dahil ang Pfizer aprubado ng Amerika, halos automatic na ‘yan. May sinasabi lang si Usec. Domingo na kinakailangan lang siguruhin na epektibo ‘yan at ligtas sa mga Asians, Malay race kasi karamihan ng ginamit sa clinical trials ay mga puti,” wika naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dagdag pa nito, “Pero ang policy po kasi ng FDA, ‘pag mature regulatory agency ang nag-apruba, malaki ang tiwala na binibigay ng Philippine FDA sa ganiyang approval.”

Ang mga bansang UK, Canada, at US ay ilan sa mga unang naggawad ng EUA sa bakuna ng Pfizer.

Ipinag-utos naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa FDA noong Sabado na bilisan ang pag-apruba sa mga bakuna kontra Covid-19 na gawa sa China.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Nina Gloriani, pinuno ng vaccine technical panel ng Department of Science and Technology, na kinakailangang idetermina ng Pilipinas nang mag-isa ang efficacy rate ng Sinovac vaccine mula China matapos kumalat ang ulat galing Brazil na 50% effective lamang ito sa isinagawang late-stage trials doon.

Aniya, “Sa Istanbul, 91.25 percent po ang ni-report nila na efficacy. So, it could well be na ang ating efficacy dito ay ganun din halos kataas. Hindi natin alam yun, until makita natin kapag nabigyan na ng bakuna ang mga tao.”

“Pero generally, ang mga inactivated vaccines ay nasa 70, 80 percent na efficacy,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING