Duterte, nais gumawa ng task force na tututok sa bagong Covid-19 variant

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nais lumikha ni Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong task force, na kinabibilangan ng medical experts, upang pag-aralan ang panibagong Covid-19 variant na natuklasan sa United Kingdom.

“The government should create another task force ideally of medical persons na nakatutok sa bagong strain,” ani Duterte sa pakikipagpulong sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Sabado.

Dumalo rin sa nasabing meeting ang ilang infectious diseases experts mula sa iba’t-ibang institusyon. Ipinatawag ang mga ito ng pangulo upang talakayin ang panibagong variant ng SARS-CoV-2 virus. Ang nasabing variant ay kumalat na sa iba-ibang bansa tulad ng Northern Ireland, Singapore at France – bagay na nag-udyok sa mga pamahalaan na higpitan ang travel restrictions. 

Sa parehong pagpupulong, inaprubahan ng pangulo ang pagpapalawig ng travel ban mula UK nang dalawa pang linggo simula Enero 1. Nabanggit din nito ang posibilidad na magtupad ng lockdown kung tataas ang bilang ng mga kaso, subalit iginiit ng mga eksperto na hindi na ito kinakailangan.

Ayon kay Dr. Socorro Escalante, coordinator para sa World Health Organization Western Pacific, dapat magpokus ang pamahalaan sa pagpapaigting ng mga umiiral na health mreasures.

Aniya, “[T]he WHO recommendation for now is not to restrict travel but ensure public health interventions are in place and that the country is ready to mitigate any event that this new strain will come into the country.”

Binigyang diin nito ang pagkakaroon ng isang mabusising risk assessment sa pamamagitan ng pag-aaral sa bawat stage ng transmission ng variant sa mga bansa kung saan nakakapasok pa rin ang mga bisita.

Inihayag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na may mas mataas na transmissibility ang bagong variant kung saan mas madali itong lumaganap. Wala pa naman umanong ebidensiya na mas malala ang epekto ng nasabing vairant.

Samantala, isa pang variant ang na-detect naman sa Sabah – bagay na nagdulot ng pangamba mula sa national at lokal na mga awtoridad. Subalit, kinumpirma na ni Escalante na iba ito mula sa variant galing UK, subalit kapareho ng mga na-detect na variants sa South Africa, Australia at Netherlands.

“We do not know the significance of this mutation and the implications in terms of public health system,” sabi ni Escalante.

LATEST

LATEST

TRENDING