Duterte: Lockdown, posibleng ipatupad kung tataas ang kaso mula sa bagong Covid-19 strain

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magdeklara ang gobyerno ng mas mahigpit na lockdown kung tataas ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa na dulot ng bagong strain nito na unang natuklasan sa UK.

“Actually, yang lockdown is a possibility,” ani Duterte sa kanyang meeting kasama ang mga opisyal ng Gabinete noong Sabado.

Dagdag pa ng pangulo, “As should, we are making some projections, but if the severity in numbers would demand that we take corrective measures immediately, then we’ll just have to go back to lockdown.”

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III sa parehong meeting, ang transmissibility ng bagong variant ay mas mataas sa 70 percent ayon sa ebidensiya, kung saan nangangahulugan itong mas nakakahawa ito kaysa sa iba pang variants. Subalit, iginit nitong wala pang indiskasyon na nakapagdudulot ito ng mas malalang sintomas o di kaya ay nakaaapekto ito sa efficacy ng mga kasalukuyang bakuna kontra Covid-19.

Wala pa rin aniyang kumpirmadong kaso sa Pilipinas mula sa bagong natuklasang variant.

Gayunpaman, tiniyak ng pamahalaan na tinutugunan nito ang pagpigil sa pagpasok ng nasabing variant sa bansa.

Tinalakay ng mga opisyal na dumalo sa meeting ang posibilidad ng mas agresibong pagpapatupad ng mga hakbang tulad ng border control, passenger surveillance, at pagsunod sa mandatory quarantine protocols at minimum public health standards.

Ilan sa inisyal na mga hakbang ng pamahalaan ay ang pansamantalang suspensyon sa lahat ng flights mula UK hanggang dulo ng taon.

LATEST