Duterte: Local officials na hindi tutupad sa tungkulin laban sa Covid-19, dapat ‘tumabi’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan para sa mga local government officials na ipatupad nang mahigpit ang protocols kontra Covid-19, at sinabing ang mga hindi tutugon sa kanilang mga tungkulin ay dapat tumabi o mag -“move aside.”

“If they are not at par… ‘di palitan natin sila,” ani Duterte sa isang meeting kasama ang Inter-Agency Task Force at mga eksperto noong Sabado.

“In the meantime, we do not remove them from office, palitan, just move aside and maybe the vice mayor can do it. That’s my suggestion to [Interior] Secretary [Eduardo] Año.”

“If they are not doing the very things that are important in this fight, ‘yung iba they take it as just an ordinary thing… maybe they have not realized the seriousness, then we can always move them,” dagdag pa ng pangulo.

Binigyang diin din ni Duterte ang kahalagahan ng mga LGUs patungkol sa laban ng bansa kontra Covid-19 – partikular na ang mga ginagampanang papel ng mga barangay captains at mayors.

Aniya, “Make it an obligation for them to really strictly follow also the whatever direction that we take in this fight against Covid.”

LATEST

LATEST

TRENDING