‘Wala namang hulihan dito’: PRRD, pansamantalang tinanggal ang face mask sa IATF meeting

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang face mask sa kalagitnaan ng kanyang meeting kasama ang mga opisyal ng pamahalaan noong Sabado, dahil nahihirapan umano siyang suotin ito.

Kinalaunan ay isinuot muli ito ng pangulo.

Sa pag-uumisa ng meeting na nagtalakay sa kumakalat na panibagong Covid-19 strain, makikitang nakasuot ng face shield at face mask ang pangulo. Subalit, makalipas ang 15 minuto, tinanggal nito ang face shield.

Nang pag-usapan ni Health Secretary Francisco Duque III ang Covid-19 vaccine, tinanggal ni Duterte ang kanyang face mask.

Humingi naman ng tawad ang pangulo matapos magsalita si Duque at sinabing “naaabala” siya ng suot na face mask.

“Wala namang hulihan dito,” pabirong tugon ng pangulo.

Ang mga taong susuway sa mga umiiral na minimum health standards kontra Covid-19 ay kadalasang pinagmumulta at sinasampahan ng quarantine-related violations.

Ilan sa mga paglabag sa quarantine protocols ay ang hindi pagsunod sa distancing at paglabas sa publiko nang walang suot na face mask at face shield.

“No one is above the law. Ang problema, hindi ako makapagsalita. I seem to . . . stammered ang bunganga ko,” dagdag pa ni Duterte.

Matapos ang 30 minuto, muling isinuot ng pangulo ang face mask kasabay nang pagsasalita ni Dr. Marissa Alejandria, miyembro ng technical advisory group for Covid-19.

LATEST

LATEST