Duterte, pinasalamatan ang health experts ng bansa para sa laban kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado ang mga health experts ng bansa na rumeresponde sa laban kontra Covid-19 at sa bago nitong naiulat na strain.

Nagpaabot ng pasasalamat ang pangulo sa medical experts na dumalo sa ginanap na briefing sa Malacañang upang bigyang linaw ang mga isyung bumabalot sa B.1.1.7 variant na natuklasan sa United Kingdom, na umano’y mas nakakahawa.

“I’d like myself to address the people and to the nation that we are indebted by the presence of the following persons who contributed a lot on what we have discussed and we need to improve now,” ani Duterte.

Kabilang sa mga pinangalanang eksperto ng pangulo ay sina:

  • Dr. Marissa Alejandria
  • Dr. Marc Edsel C. Ayes
  • Dr. Celia Carlos 
  • Dr. Althea de Guzman 
  • Dr. Rolando Enrique, 
  • Dr. Jaime Montoya 
  • Dr. Annalisa T. Ong-Lim, 
  • Dr. Cynthia Palmes-Saloma
  • Dr. Mario Panaligan

Iginiit ng pangulo na ang kanyang mga pinangalanan ay hindi dapat kalimutan ng publiko at nagbiro na baka tumakbong senador ang ilan sa mga ito.

Binigyang diin ng pangulo ang kahalagahan ng mga health experts, kung saan ipinatutupad ng pamahalaan ang mga inihahaing rekomendasyon ng mga ito kontra Covid-19.

“We have with us in this meeting Filipino doctors who are really concerned with the welfare of their countrymen. They are here to help us out because we are not medical persons. They contribute and we just listen and implement, in more ways than one, the recommendations,” sabi ni Duterte.

Ilan sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong subalit hindi nabanggit ng pangulo ay sina:

  • Dr. Katherine Ann Reyes, associate dean for research ng UP College of Public Health
  • Dr. Camilo Roa, Jr., Pulmonary Medicine of the Manila Doctors Hospital
  • Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group
  • Dr. Ofelia Saniel, Professor Emeritus ng UP College of public Health Department of Epidemiology and Biostatistics
  • Dr. Rontgene M. Solante, chairman ng Adult Infectious Disease Tropical Medicine ng San Lazaro Hospital
  • Dr. Socorro B. Zarate-Escalante, coordinator ng World Health Organization

Naunang nagbabala ang mga eksperto laban sa pagpapatupad ng panibagong lockdown at travel restrictions, sapagkat hindi umano ito makabubuti sa pangmatagalan.

Ang estratehiya para sa bagong Covid-19 variant ay dapat pareho pa rin subalit nakaangkla sa agresibong monitoring sa mga biyahero at sa mas mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols, giit ng mga dalubhasa.

LATEST

LATEST

TRENDING