Duterte, nais pabilisin ang approval ng Covid-19 vaccine galing China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) director-general Rolando Domingo noong Sabado na hihintay na lamang ng kanyang tanggapan ang clinical trial results ng Covid- 19 vaccines na gawa sa China, upang maumpisahan na ng FDA ang pag-evaluate sa mga nasabing bakuna.

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Domingo na bilisan ang approval ng China-produced vaccines, partikular na ang Sinovac at Sinopharm, para masimulan na ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga Pilipino.

” ‘Yun pong (Sinovac) clinical trial Phase 3 is wrapping up in December at lalabas na ang interim results nila . . . Once we have that, then we can have an evaluation,” ani Domingo.

Dagdag pa nito, ” ‘Yun lang, magiging stringent kasi wala pa silang pinaggalingang US FDA (US Food and Drug Administration) counterpart.”

Ayon kay Domingo, ang mga produktong medikal tulad ng mga bakuna ay dapat pumasa sa striktong evaluation tulad ng sa US FDA o sa UK upang masiguro ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga ito.

“Kapag galing na sa stringent regulatory agency, like US FDA or UK, minimal na lang ang additional requirements natin,” paliwanag ni Domingo.

Sa kaso ng Sinopharm, binanggit ni Domingo na nakakuha na ang drugmaker ng emergency use authorization sa China, at isa umano itong magandang balita.

Aniya, “That gives us some confidence na ‘yung safety profile nila maganda. ‘Yun lang po, dadaan pa rin sa expert panel po natin.”

Iginiit naman ni Duterte na pinapaboran niya ang SiniPharm sapagkat ginamit na umano ito sa mga sundalo ng China. Nais nitong mabakunahan ang mga pulis at militar sa Pilipinas.

“I take it as a declaration of its potency ‘yung (Sinopharm) has passed the test results. They gave it to almost 1 million of their soldiers,” wika ni Duterte.

“I have to be frank to tell the truth. Marami nang nagpatusok at lahat up to now wala pa akong narining (na masama). Gusto kong mauna sila (mga sundalo) because I don’t want a sickly Armed Forces, sickly police. 

“They have to be in good health all the time because they are responsible for the law and order of the country,” dagdag pa ng pangulo.

Umapela naman ng pag-unawa si Domingo para sa approval ng mga bakuna.

Aniya, “Bagong-bago pa ’yung mga bakuna . . . Masyadong bago pa kasi ang platform at teknolohiya.”

LATEST

LATEST

TRENDING