Duterte, ipinahinto ang face-to-face classes sa Enero dahil sa bagong Covid-19 strain

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado ang kanyang naunang kautusan para sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa Enero 2021, matapos ang pagkakadiskubre ng isang bagong Covid-19 strain sa Unnited Kingdom.

Ang implementasyon ng pisikal na klase ay pinlano para sa mga lugar na may mababang risk ng Covid-19 transmission.

Naghahanda na ang Department of Education para sa paglulunsad ng dry run, subalit ipinag-utos ni Duterte kay Education Secretary Leonor Briones na ipahinto ito.

“I’m calling back the order,” giit ng pangulo sa isang public briefing noong Sabado.

Dagdag pa nito, “I will not allow face-to-face classes of children until we are through with this . . . The nature of the germ we are confronting.”

Ayon kay Duterte, posibleng malagay sa peligro ang mga estudyante kung ipagpapatuloy ang hakbang ng face-to-face classes sa Enero.

“I am cancelling the order I gave few days ago, few weeks ago to Sec. Briones of the Education Department to suspend everything, all activities of children especially face-to-face classes,” paglilinaw ng pangulo.

Sa isang naunang interview, sinabi ni Dr. Tony Leachon, isang public health advocate at dating miyembro ng national Covid-19 mitigation task force, na ang bagong strain ay nag-udyok sa mga pamahalaan na ipatupad ang travel restrictions sa loob at labas ng United Kingdom.

“Iyan ay variant B117. Bago siyang strain na 52% ang admittance sa UK. At highly transmissible, 50-70%, so ibig sabihin more contagious. Nagcause ng travel ban sa Europe, Canada, sa HK, sa atin dito,” paliwanag ni Leachon.

 “Kakaiba ang profile ng mga pasyente nito. Less than 60, asymptomatic, sila yung gala ng gala. So mas madaling makahawa ngayon. 

“Mas maraming mahahawa, that will lead to more hospitalizaton and admission and therefore, madadali ngayon ang vulnerable segment and will actually cause more deaths,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING