Malacañang: Duterte, ive-veto ang ilang items sa 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power upang alisin ang ilang probisyong nakapaloob sa ipinapanukalang 2021 General Appropriations Act, giit ng Malacañang noong Biyernes.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ilang araw lamang bago ang inaabangang ceremonial signing ng panukalang P4.5-trilyong national budget para sa 2021.

“Sigurado po na magkakaroon po ng veto message,” wika ni Roque.

Hindi naman ito nagbigay ng karagdagang detalye hinggil sa mga espesipikong probisyong aalisin mula sa 2021 badyet.

Subalit, sinabi nitong ive-veto ng pangulo ang ilang items alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM).

“Inaasahan din na aaprubahan din po ng Presidente yung mga naging rekomendasyon ng DBM. Meron pong mga recommended for veto,” paglilinaw ni Roque.

Nakatakdang lalagdaan ni Duterte ang bugdet bill sa Davao City pagsapit ng Disyembre 28.

Tinatayang nasa limang kongresista mula sa Senado at Kamara ang inaasahang dadalo sa pagpirma ng 2021 badyet.

Ang recovery programs ng pamahalaan kontra Covid-19 ay binibigyang prayoridad sa 2021 budget spending plan.

Kabilang sa ratified budget bill ang alokasyon ng P72.5 bilyon para sa Covid-19 vaccines.

Tinatayang nasa P2.5 bilyon ng P72.5 bilyon ang nasa ilalim ng programmed funds ng Department of Health (DOH), habang ang nalalabing P70 bilyon ay unprogrammed funds na ilalaan para sa pagbili ng Covid-19 vaccines, pati na rin ang storage, transportation, at distribution ng mga ito. 

LATEST

LATEST

TRENDING