Duterte, inakusahan si Zarate na gumagamit ng ‘NPA funds’ para papag-aralin ang anak sa Europa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Pangulong Rodrigo Duterte

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa kanyang huling public address, at inakusahan itong ginagamit ang “nakolektang pondo” ng mga komunista para tustusan ang edukasyon ng anak ng mambabatas sa Europa.

Noong Lunes, nagkaroon ng agam-agam si Duterte tungkol sa pahayag ni Zarate na ang ina ng kanyang anak ang gumagastos para sa edukasyon nito sa ibang bansa.

Aniya, “May anak kang nag-aaral sa Europe. Sinasabi mo si Xandro, ‘yung anak mo, ay ginagastusan ng lola. You know, baka sabi mo talaga maloloko mo ang Pilipino, lalo na kami dito.”

Sinabi rin ng pangulo na ang anak ni Zarate ay “bumibiyahe sa buong Europa,” gamit ang pera na posibleng nagmula sa New People’s Army, ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines.

“Baka siguro ‘yung ginagastos mo ‘yung pera na kinokolekta ng mga NPA dito,” wika ni Duterte.

Dagdag pa nito, “Hindi nila alam na ang kinokoloketa nila, pumpunta doon ‘yan sa mga lider na malalaki ang kita, tapos sila hirap.”

Hindi ito ang kauna-unahang beses na binanatan ni Duterte si Zarate sa kanyang talumpati. Inilarawan nito ang kongresista bilang miyembro ng NPA, kasama ang iba pang miyembro ng Makabayan bloc – bagay na itinanggi ni Zarate.

Naunang nagsampa naman si Zarate ng reklamo laban sa isang opisyal na iniugnay siya sa mga komunistang rebelde at inakusahan din ang Bayan Muna bilang isang front organization ng CPP.

LATEST

LATEST

TRENDING