Biden, naturukan na ng Covid-19 vaccine habang umaarangkada ang mass vaccination sa US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
US President-elect Joe Biden
Leah Millis/Reuters

Tumanggap ng Covid-19 vaccine si US President-elect Joe Biden nang live sa telebisyon noong Lunes kasabay paghikayat ng tiwala mula sa publiko para sa malawakang distribusyon ng bakuna sa susunod na taon.

Sinabi ni Biden na isusulong niya ang laban kontra Covid-19, na ikinasawi ng mahigit 315,000 Aemrikano at ikinahawa ng 17.5 milyon. Ang laban kontra Covid-19 ay ang kanyang magiging prayoridad kapag umupo na ito bilang pangulo sa Enero 20. Sa edad na 78, kabilang si Biden sa high-risk group para sa nakamamatay na sakit.

Mamanahin ni Biden, isang Democrat, ang mga hamon tungkol sa distribusyon ng bakuna para sa milyun-milyong Amerikano, pati na rin ang paghikayat sa publiko na magtiwala sa pagbabakuna.

Matapos makatanggap ng bakuna galing sa Pfizer Inc, punuri ni Biden ang mga medical professionals bilang mga “heroes”.

“I’m doing this to demonstrate that people should be prepared when it’s available to take the vaccine. There’s nothing to worry about,” ani Biden.

Idiniin ni Biden na matatagalan ang pag-roll out ng bakuna at dapat aniyang makinig ang mga tao sa mga eksperto at huwag bumiyahe ngayong Kapaskuha hangga’t maaari.

LATEST

LATEST

TRENDING