Mutated Covid-19 strain, hindi pa naiuulat sa PH: DOST

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi pa nakapag-uulat ang Pilipinas ng panibagong infections mula sa bagong coronavirus strain na lumaganap sa United Kingdom, bagama’t ang ibang mga bansa ay nakapag-uulat ng positibong mga kaso mula sa nasabing variant, giit ng isang DOST official noong Huwebes.

Ayon kay Jaime Montoya, executive director ng Department of Science and Techology – Philippine Council for Health Research and Development, mino-monitor ng pamahalaan ang mga developments tungkol sa mutated strain, na isa umanong mas nakakahawang variant.

“Base sa ating nalalaman, wala pa tayong reports na nandyan na yung variant,” ani Montoya sa Laging Handa briefing. 

“Base sa resulta na nakikita natin, ito po ay mas nakakahawa….pero ito ay patuloy na minomonitor ng authorities,” dagdag pa nito.

Batay aniya sa huling development sa UK, sinabi ni Montoya na ang bagong strain ay hindi pa nagpapakita na hindi ito magagamot ng mga kasalukuyang bakuna kontra Covid-19. Magiging kabahagi naman ito ng kanilang surveillance efforts hinggil sa mga panibagong kasong maiuulat sa bansa.

“Tingin ko wala pa po itong epekto ngayon sa efficacy ng vaccine. Kasama po ito sa minomonitor, titingan iyong mga viruses at imo-monitor rin natin yung levels ng antibodies sa ilang mga pasyente kung may epekto nga ba ito sa efficacy ng vaccine,” paliwanag ni Montoya.

Noong Lunes, idiniin ng Department of Health na bagama’t hindi pa nade-detect sa bansa ang nasabing bagong variant ng Covid-19, mas paiigtingin umano nito ang monitoring upang paghandaan ng ang naturang strain.

Makalipas ang dalawang araw, pansamantalang pinatigil ng bansa ang mga flights galing UK mula Disyembre 24 hanggang 31 dahil sa banta ng virus.

Nagbabala ang chief medical officer ng England na si Professor Chris Whitty, na ang bagong Covid-19 strain ay posibleng maging 70% na mas transmissble kumpara sa naunang type ng virus. Ang bagong variant aniya ang salarin para sa 60% ng infections sa London, na dumoble sa nakaraang linggo.

Noong Huwebes, ang mga bansang Singapore at Northern Ireland ay ilan sa mga nakapagkumpirma ng positibong Covid-19 cases mula sa bagong variant galing UK.

LATEST

LATEST

TRENDING