Karamihan ng Pinoy, kuntento sa tanggapan ni Duterte, at Covid-19 response ng IATF

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Karamihan ng mga Pilipino ang nagpahalaga sa ginagawang mga hakbang ng Office of the President (OP) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para mapigilan ang Covid-19 sa Pilipinas, ayon sa isang political consultancy firm.

Batay sa PAHAYAG End-of-the-Year survey, na isinagawa ng PUBLiCUS Asia, Inc. noong Disyembre 3-9, at inilabas noong Disyembre 22, napag-alaman na nanguna ang OP at IATF-EID sa mga ahensya na kinilala para sa kanilang Covid-19 response.

Nagkaroon ng pinakamataas na approval ascores ang OP at IATF-EID, na 67.8 percent at 62.667 percent.

Ang dalawang tanggapan ang tanging mga ahensyang nakakuha ng approval ratings na mahigit 60 percent, ayon sa nasabing survey.

“In the assessment of Covid-19 responses, the Office of the President and the IATF garnered total approval levels exceeding 60 percent,” pahayag ng survey.

Ang iba pang national agencies na nakakuha ng mataas na approval ay ang mga departamento ng science (57.6 percent), social welfare (56.533 percent), health (54.2 percent), labor (54.067 percent), at local government (52.933 percent); Presidential Communications Operations Office (51.467 percent); at agriculture department (51.333 percent).

Ang mga departamento ng transportation (50.933 percent), tourism (50.866 percent), at information and communications technology (50.133 percent) ay nakakuha rin ng mataas na approval ratings para sa kanilang hakbang na pigilan ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa, diin ng PUBLiCUS.

Ang mga tanggapan namang nakakuha ng scores na mas mababa sa 50 percent ay ang mga departamento ng public works (49.733 percent) at education (48.2 percent); Senado (47.933 percent), Commission on Higher Education (47.4 percent); Korte Suprema (46.8 percent), National Economic and Development Authority (46.2 percent),  budget department (44.867 percent), at Kamara (43.066 percent).

Ang Office of the Vice President naman ang nakakuha ng pinakamababang approval score na 41 percent, batay sa survey.

“Most of the agencies that scored approval levels below 50 percent can be viewed to be policy centric,” giit ng PUBLiCUS.

Tinatayang nasa 1,500 respondents ang kinapanayam para sa independent at non-commissioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS.

LATEST

LATEST

TRENDING