Duterte: ‘Indomitable spirit’ ng mga Pinoy, nakatulong para malagpasan ang mga pagsubok ngayon taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino para sa kanilang “indomitable spirit,” na nakatulong aniya upang malagpasan ang mga hamong kinaharap ngayong taon.

Sa kanyang Christmas message, kinilala ng pagulo na ang kasalukuyang taon ay “trying time” para sa lahat habang maraming binawian ng buhay dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic at ilang mga kalamidad.

Subalit, idiniin niya ang katatagan ng mga Pilipino na nakatulong aniya sa pagwawagi sa mga hamon sa buhay.

Aniya, “But through it all, we continue to survive and rise because of our unity, strength and indomitable spirit of (the) Filipinos.”

Iginiit din ng pangulo na ang paghihirap at pagdurusang nararanasan ay hindi panghabangbuhay.

“This Christmas season, let the story of Jesus Christ’s birth remind us that we should always have hope even in darkness, poverty and suffering,” wika ni Duterte.

Hinikayat din nito ang taumbayan na alalahanin na si Hesus ang dahilan para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“Let us also allow Christ into our lives so that we could bring love and cheer not only to our families and friends but also to those who are most in need,” dagdag pa ni Duterte.

Sa pagtatapos, hiniling nito ang isang  “meaningful” na selebrasyon ngayong Pasko at pinaalalahanan ang publiko na huwag mawalan ng pag-asa para sa mga darating na araw.

LATEST

LATEST