Duque: Pagtuturuan tungkol sa Pfizer deal isyu, makasasama sa vaccine confidence at tiwala sa pamahalaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III
Kuha ni: Edwin Bacasmas

Ang pagtuturuan sa kung sinong opisyal ang “naglaglag ng bola” at nakapagkompromiso sa maagang pagbili ng Pfizer Covid-19 vaccines ay nakakaapekto sa kumpiyansa ng publiko sa nasabing mga bakuna at sa pagtitiwala sa abilidad ng pamahalaan na tugunan ang pandemiya, pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules.

Sinabi ng kalihim, na siyang sentro ng kontrobersya, na ang vaccine procurement ay kasing halaga sa pagkuha ng pamahalaan sa tiwala ng publiko para sa isasagawa nitong immunization program. Sinisikap ng pamahalaan na makuha ang tiwala ng publiko para sa pagpapatupad ng mga vaccination plans ng pamahalaan sapagkat ito ay naapektuhan ng Dengvaxia isyu noong 2017.

“The recent week has been divisive with the issue on the Pfizer deal further damaging the public’s already delicate confidence in vaccines and the government’s strategies,” ani Duque sa isang virtual media forum.

Dagdag pa nito, “It is one thing to get the vaccines, but making sure that people consent to be vaccinated is another.”

Si Duque ang itinuturong sumira sa kasunduang binuo ng Philippine at United States diplomats para sa pagbili ng 10 milyon doses ng Pfizer vaccines na ide-deliver sa Enero, na kung naisakatuparan ay magiging unang doses ng bakuna sanang darating sa bansa.

Subalit, sinabi noong Disyembre 15 ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi na maipapatutupad ang nasabing kasunduan sapagkat “mayroong naglaglag ng bola.” Kinalaunan ay pinangalanan nitong si Duque ang nakapagunsyami ng kasunduan dahil sa naantalang mga papeles.

Itinanggi naman ni Duque ang mga paratang at sinabing maingat niyang ni-review ang confidentiality disclosure agreement na kinakailangan upang masimulan na ang pag-uusap tungkol sa procurement kasama ang US biopharmaceutical company.

“There was no dropping of the ball. Ang ginawa natin dito due diligence. We cannot be reckless, we cannot be signing on documents without legal clearance,” giit ng kalihim.

Ipinaliwanag na Duque na ang mga detalyeng sinabi ni Locsin na darating ang 10 milyong doses ng bakuna sa Clark, Pampanga pagsapit ng Enero ay “preposterous”, at wala umanong dokumento ang ipinadala sa DOH o Covid-19 task force IATF tungkol sa tagumpay ng Pilipinas sa pag-secure ng mga bakuna.

“It’s not like importing chocolates and you say it’s going to Clark Airbase, it’s going to be delivered in January. That is really preposterous. Kailangan mo ang very sophisticated ultra-low storage facility. We don’t have that, zero,” dagdag pa ng kalihim.

Gayunpaman, wala umanong samaan ng loob sa kanilang dalawa ni Locsin.

Aniya, “As a professional, trabaho na lang tayo. We move forward, we explain to the people, we leave it at that. We have too much on our plate. We cannot spend time bickering and trying to say something to counter somebody’s statements.”

Dahil sa missed delivery, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Babe Romualdez na ang pinakamaagang pagsuplay ng bakuna mula Pfizer at German partner nitong BioNTech ay sa Hunyo 2021 pa sa 5 milyong doses lamang.

LATEST

LATEST

TRENDING