DENR, idiniin ang wastong management ng basura ngayong panahon ng Kapaskuhan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Environment Secretary Roy Cimatu
Kuha ni: Erik de Castro (Reuters)

Nagpaalala ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na huwag maging pabaya sa kanilang mga basura kasabay nang mga pagdiriwang ngayong Kapaskuhan habang nasa gitna ng pandemiya.

“[W]henever we buy, use, or consume something, it is always beneficial to consider if it saves landfill space, raw materials and natural resources such as energy, water, and money,” pahayag ni Environment Undersecretary Benny Antiporda noong Huwebes.

Hinikayat ng opisyal ang publiko na bawasan ang mga basura habang naghahanda ang mga pamilya sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Halimbawa, maaaring mag-grocery at maghanda na lamang ang mga pamilya sa halip na magpa-deliver ng pagkain o kumain sa labas. Dapat din aniyang iwasan ang paggamit ng disposable plates at utensils.

Pagdating naman sa mga binibili, hinikayat naman ng opisyal ang publiko na iwasan ang pagbili ng sobra at piliin ang mga produktong may konting packaging. Hinihikayat din nito ang mga mamimili na magbitbit ng reusable bags o eco-bags, bumili ng maramihan at lokal, at bumili ng pangmatagalang produkto.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Environment Secretary Roy Cimatu ang publiko na i-segregate ang mga basura na dulot ng mga selebrasyon ngayong taon.

Dapat aniyang paghiwa-hiwalayin ang mga basura sa compostable, recyclable, non-recyclable at special waste. Ang food waste ay dapat itapon sa compostable garbage bin; food containers tulad ng mga baso, lata glasses, cans at plastic bottles sa ilalim naman ng recyclables, habang ang plastic bags, used plastic o paper cups at tetra packs sa ilalim ng non-recyclable trash.

Ang special waste naman ay mayroong dalawang uri: hazardous at healthcare. Ang ginamit na face masks, face shields at gloves ay kabahagi ng healthcare wastes, habang kasama naman sa hazardous wastes ang batteries, charging cables at iba pang electrical at electronic equipment.

“As we hold a more intimate holiday celebration with our immediate families, let’s be extra careful on the safety of our health and the environment by practicing responsibility and sustainability,” sabi ni Cimatu.

LATEST

LATEST

TRENDING