Surge ng Covid-19 cases sa Rizal at Bulacan, naitala: OCTA Research

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Rob Reyes (Rappler)

Bukod sa Metro Manila, ang ilang bahagi ng Bulacan at Rizal ay nakapagtala rin ng mas maraming Covid-19 cases ngayong panahon ng Kapaskuhan, ayon sa OCTA Research Team noong Miyerkules.

Ang munisipalidad ng Cainta at Antipolo City sa Rizal province, pati na rin ang San Jose del Monte sa Bulacan, na malapit sa Metro Manila, ay nagpakita ng pagtaas sa bilang ng mga kaso ilang araw bago ang Pasko, pahayag ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David noong Miyerkules sa Laging Handa briefing.

Aniya, “Makikita natin in the next few weeks kung magpapatuloy tumaas iyong bilang ng kaso sa mga lugar na ito.”

Mula sa 2,091 Covid-19 cases noong Disyembre 16, mayroon nang kabuuang 2,147 infections sa Cainta, kung saan 51 ang active cases batay sa datos noong Miyerkules.

Tumaas din ang bilang ng kaso sa Antipolo City sa 3,923 mula 3,852 noong Disyembre 16, kung saan mayroon itong 89 active cases.

Samantala, mayroon namang 1,699 total cases ang San Jose del Monte, Bulacan kung saan may 39 active cases ito mula sa18 barangays batay sa datos noong Disyembre 21.

Ayon sa huli nitong report, sinabi ng OCTA Research Team na umakyat ang reproduction rate (Ro) ng Metro Manila sa 1.15 noong Disyembre 14-20, mas mataas sa 1.06 Ro noong sumunod na linggo. Ang datos ay tumutukoy sa bilang ng mga tao kung na maaaring mahawaan ng isang Covid-19 patient.

“Actually, iyong increase ay nakikita natin sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila and notably nasa northern area. Iyong south part ay hindi pag nagkakaroon ng increase in cases,” paliwanag ni David.

Mino-monitor din aniya ng grupo ang slight surge sa Caloocan, Valenzuela, Quezon City, at Makati, at nanawagan sa local government units (LGUs) na maging maingat sa inter-city travels sa loob ng rehiyon upang makontrol ang nasabing surge.

Ayon naman kay OCTA Research Group fellow Dr. Butch Ong, posibleng pumalo sa 500,000 ang bilang ng kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa pagsapit ng dulo ng taon, kung saan maaaring makapagtala ng hanggang 3,000 hanggang 4,000 new cases kada araw. Subalit, posible naman aniyang mapigilan ang surge sa pamamagitan ng local interventions na maghihigpit sa crowding.

Batay sa datos noong Miyerkules, nasa 464,004 na ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa kung saan 1,196 ang mga naidagdag ayon sa Department of Health. Nasa 9,048 naman ang mga nasawi habang 429,972 naman ang gumaling.

LATEST

LATEST