Major expressways, toll-free sa piling oras pagsapit ng Pasko at Bagong Taon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inalis ng mga kumpanya ang paniningil ng toll fees sa major expressways sa piling oras pagsapit ng Pasko at Bagong Taon.

Inanunsyo ng San Miguel Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation noong Martes ang pagpapatupad ng isang “toll holiday” sa mga sumusunod:

– Southern Tagalog Arterial Road

– Southern Luzon Expressway

– Skyway

– NAIA Expressway

– Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway

– North Luzon Expressway

– Subic-Clark-Tarlac Expressway

– Cavite Expressway

– C5 Link

– Cavite-Laguna Expressway

Ang mga nabanggit ay magiging toll-free mula 10 pm ng Disyembre 24 hanggang 6 am ng Disyembre 25, at parehong oras naman simula Disyembre 31 hanggang Enero 1.

“This is an annual tradition that we do for the benefit of motorists, especially those who have to see family in other parts of the city or have to go home to the provinces,” pahayag ni SMC President at Chief Operating Officer Ramon Ang.

“This year will be no exception.”

“For those who do have reason, or an urgent need to travel on the expressways on Christmas and New Year’s, we hope you appreciate and enjoy this toll holiday and pass on a small act of kindness to others,” dagdag pa ni Ang.

Samantala, sinabi naman ni MPTC President at CEO Rodrigo Franco na ang ipatutupad na “simple treat” ay kabahagi ng mga hakbang ng kumpanya na magbigay pabalik sa kanilang mga customers ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Umaasa ang MPTC na magkakaroon ng surge ng mga motorista kaya nag-deploy na aniya ito ng mas maraming patrol cars, traffic marshals, security teams, RFID assistance personnel, at emergency response teams.

LATEST

LATEST

TRENDING