Duterte: Pulis na namaril ng mag-ina sa Tarlac, ‘may topak’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang Philippine National Police upang tiyakin na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca – na pinagbabaril ang isang ina at kanyang anak sa Paniqui, Tarlac, ay mapapatawan ng naaayon na kaparusahan.

Ayon sa pangulo, mayroong mental illness ang suspek kaya nagawa nito ang marahas na pagpatay sa mag-ina.

Aniya, “Baka hindi ninyo talaga nakuha ah, pero I don’t think…isa lang itong klaseng pulis na ito. May sakit ito sa utak. Topak. I’m just wondering why he was able to, nakalusot sa neuro, you couldn’t detect a person by the way he answers ‘yung mga test sa neuro.”

Subalit, hindi naman nagbigay ng kahit anong katibayan ang pangulo o medical diagnosis para suportahan ang paratang na may sakit sa pag-iisip si Nuezca.

Samantala, ipinapakita ng datos ng PNP na naharap ang nasabing pulis ng 6 na kaso sa nakalipas na 10 taon nito sa serbisyo. Kabilang dito ang grave misconduct, serious neglect of duty, pagtanggi ng drug testing, isang administrative case, at suspension. Ang dalawang homicide cases na kinaharap nito noong 2019 ay na-dismss dahil sa kakulangan ng substantial evidence.

Binigyang diin ng pangulo na bagama’t sinusuportahan niya ang kapulisan, hindi siya sumasang-ayon kapag may ginawa itong mali.

“T******* ‘yung g*go na ‘yun. ‘Di ba sinabi ko, you do it right, I’m with you. You do it wrong, and there will be hell to pay. ‘Yun ang sinabi ko sa aking SONA,” dagdag pa ni Duterte.

“Brutal” umano ang ginawa ni Nuezca, ayon sa pangulo.

Aniya, “I don’t think you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV, pati ako napanganga. Walang kuwenta. That’s unfair and brutal masyado. Kung ako ang nandiyan, ewan ko lang. Pero I do not like oppression.”

“Ikulong ninyo ‘yun. ‘Wag ninyong bitawan ‘yung yawa na ‘yun,” dagdag pa ng pangulo.

Pinagbabaril ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca noong Linggo ang kanyang mga kapitbahay sa harap ng anak nitong babae matapos ang umano’y sagutan tungkol sa paggamit ng boga noong Linggo sa Paniqui, Tarlac. Nakunan ng video ang insidente at nag-viral ito sa social media, kung saan umani ito ng galit mula sa publiko.

LATEST

LATEST

TRENDING