16 personalidad, posibleng tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 ayon sa pag-aaral

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: BluePrint.PH

Mahigit isang taon bago ang susunod na halalan, ilang mga pulitiko at private sector executives ang napabilang sa mga posibleng tumakbo sa pagkapangulo sa darating na May 2022 national at local elections.

Ayon sa sentiment analysis sa social media platform na Facebook, na isinagawa ng research firm na BluePrint.PH, at ang Singapore-based partner nitong Data Mining and Artificial Intelligence, 16 katao ang tinitingnang tatakbo para sa pinakamataas na puwesto ng bansa.

Ilan sa mga ito ay ang mga senador na sina Bong Go, Manny Pacquiao, Risa Hontiveros, Grace Poe, Pia Cayetano, at Tito Sotto; at mga dating senador na sina Bongbong Marcos at Manny Villar.

Ang iba naman ay sina Pangalawang Pangulo Leni Robredo, dating House Speaker Alan Peter Cayetano, at Leyte 4th District Rep. Lucy Torres- Gomez.

Kabilang din sa listahan sina Davao City Mayor Sara Duterte, Cavite Governor Jonvic Remulla, Manila Mayor Isko Moreno, human rights lawyer Chel Diokno, at negosyanteng si Ramon Ang.

Sinabi ni Eero Brillantes, BluePrint.PH chief executive officer, na ang sentiment analysis at batay sa datos ng social media na kinalap mula Hunyo 1, 2020 hanggang Nobyembre 30, 2020 o katumbas ng 344,761,479 data points o mga aktibidad sa Facebook tulad ng likes, shares, reactions at comments.

“If we go by our big data metrics, about 16 names are frequently being mentioned on social media, particularly Facebook, as potential presidential candidates,” pahayag ni Brillantes.

Dagdag pa nito, “All have paths to the presidency. Social media networking activities alone through Facebook can generate 22 percent-35 percent of the votes in 2022.”

Nagsagawa rin ang Blueprint.PH ng tandem engagement analysis para sa potential presidential candidates batay sa social media at traditional media ng 16 na mga personalidad.

Ang mga personalidad aniyang may pinakamataas na media coverage sa traditional media at sa Facebook ay sina Robredo na sinundan ni Pacquiao at Moreno.

LATEST

LATEST

TRENDING