Vergeire: DOH, suportado pa rin si Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire

Inihayag ni Department of Health (DOH) spokesperson Maria Rosario Vergeire noong Lunes na suportado pa rin ng ahensya ang pamumuno ni DOH Secretary Francisco Duque III bagama’t binabatikos ito ng iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Si Senador Manny Pacquiao ang pinakahuling opisyal na nanawagan para sa pagpapalit kay Duque bilang kalihim ng DOH dahil sa pagpapabaya umano nito sa Covid-19 vaccine deal sa kumpanyang Pfizer. Pinabulaanan naman ito ni Duque.

“We have been faced with this challenge from the very start, and we have always verbalized our support for our Secretary,” ani Vergeire sa isang virtual briefing.

Ipinaliwanag ni Vergeire na dapat sumunod ang DOH sa mga proseso ng gobyerno, at hindi dapat ipagpaliban ang protocols at guidelines.

Bagama’t nauunawaan ng ahensya na hindi na makapaghintay ang tao para sa bakuna, “sinisikap ng pamahalaan na magkaroon na ng bakuna nang maaga sa susunod na taon.”

“But we need to also need to abide with the processes of government para maayos lahat and it’s going to be transparent and according to guidelines,” dagdag pa ni Vergeire.

Bagama’t tinutuligsa dahil sa mabagal na pagproseso sa vaccine appproval, naharap din si Duque sa iba’t-ibang reklamo noon kabilang ang delayed release ng  health worker benefits.

Gayunpaman, paulit-ulit na dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalihim mula sa kritisismo.

LATEST

LATEST

TRENDING