Roque: Walang Christmas o New Year lockdown sa Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Pinabulaanan ng Malacañang noong Lunes ang usap-usapan na isasailalim sa lockdown ang Metro Manila pagsapit ng Pasko at Bagong Taon upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

“Fake news din na magkaka-lockdown mula Dec. 23 hanggang Jan. 3, 2021. Ito po ay mga walang hiya na gusto lang siraan ang ating Pasko,” paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Iaanunsyo sa susunod na linggo ang quarantine classifications na iiral sa Enero 2021 – ang ika-10 na buwan ng bansa sa ilalim ng Covid-19 protocols.

LATEST

LATEST

TRENDING