PH, makakukuha ng 30-M doses ng Novavax Covid-19 vaccine: Locsin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Inaasahang makatatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng bakuna kontra Covid-19 ng Novavax Inc sa Hulyo 2021, giit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. noong Lunes, upang madagdagan ang suplay ng bansa para maabot ang layuning mabakunahan ang mahigit 100 milyong katao.

Bagama’t nagsasagawa ng mga konsultasyon sa maraming vaccine makers, isa pa lamang ang nilagdaang vaccine supply deal ng bansa, sa tulong ng pribadong sektor, para makakuha ng 2.6 milyong shots ng AstraZeneca.

Nagbabalak naman ang bansa na bumili ng 25 milyong doses ng bakunang gawa ng Sinovac Biotech sa China na ide-deliver sa Marso, at layunin din nitong mag-secure sa pagitan ng 4 hanggang 25 milyong doses ng mga bakunang galing naman sa Moderna at Arcturus Therapeutics Holdings Inc. 

“Thirty million dosages of the Indian-made Novavax vaccines are assured possibly with no cash advance. It will be available by July 2021,” ani Locsin.

Ang impormasyon ay nagmula aniya sa Serum Institute ng India, ang pinakamalaking vaccine producer sa buong mundo, at posible umano mapirmahan ang terms ng supply deal bago magtapos ang taon.

Wala namang agarang naging komento mula sa institute, na noong Agosto ay pumasok sa isang supply and license agreement sa Novavax Inc. para sa development at commercialization ng Covid-19 vaccine candidate nito.

Mag-uumpisa naman sa susunod na linggo ang pagpupulong sa Moderna, na ginawaran na ng emergency use authorization ng U.S. Food and Drug Administration, dagdag pa ni Locsin.

LATEST

LATEST

TRENDING