Pacquiao, nakiusap kay PRRD na palitan na bilang DOH Secretary si Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Manny Pacquiao

Umapela si Senador Manny Pacquiao noong Lunes kay Pangulong Rodrigo Duterte na palitan na nito si Health Sec. Francisco Duque III bilang pinuno ng Department ogf Health (DOH) dahil sa umano’y kapabayaan ng kalihim na makapagtiyak sa pagdating ng Covid-19 vaccines sa susunod na buwan.

Hindi umano nakapagsumite sa oras si Duque ng mga kakailanganing dokumento para matanggap ng Pilipinas sa Enero ang mga bakunang gawa ng Pfizer. Itinanggi naman ng kalihim na “nilaglag niya ang bola” sa nasabing kasunduan.

“Sayang. Dapat this January, may vaccine na tayo, yung Pfizer. But masasabi natin na talagang kapalpakan yan ng ating DOH (Department of Health), si Secretary Duque,” ani Pacquiao.

“I’m sorry to say that, but prangka kasi ako magsalita e. Prangka ako magsalita na like I said, napapahiya ang ating Pangulo pagka ganun,” dagdag pa ng senador.

Nang tanungin para sa kanyang mensahe kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Pacquiao na: “Ang mensahe ko siguro is palitan na siya para magkaroon ng comparison sa ibang may mga kaya din…May mga kaya din na mga leader natin na nag-aambisyon din na mamuno d’yan sa DOH na ‘yan. Pagbigyan para makumpara natin kung ano yung perfomance ng isang tao.”

 “Ang pakiusap ko kay Pangulo na kung pwede, palitan na lang n’ya si Sec. Duque para maibsan naman yung hinaing ng ating mga kababayan,” dagdag pa ng senador.

Isa si Pacquiao sa 13 na mga senador na umapela kay Duque na magbitiw sa puwesto sa pamamagitan ng inilabas na resolusyon ilang buwan na ang nakalilipas.

Subalit, paulit-ulit na dinipensahan ni Duterte ang kalihim mula sa mga pambabatikos.

LATEST

LATEST

TRENDING