Malacañang: Huwag isipin na masama ang lahat ng pulis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Hinikayat ng Malacañang ang publiko noong Martes na huwag gumawa ng generalizations tungkol sa Philippine National Police, matapos pagbabarilin ng isang pulis ang isang mag-ina mula Tarlac, na nagdulot ng malawakang panawagan para sa pagwawakas ng police brutality at impunity ng mga awtoridad.

“Napakalaki po ng ating Philippine National Police. By and large, respetado po sila dahil talagang buhay ang kanilang kapital sa kanilang trabaho,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. 

“‘Wag naman natin sila lahatin,” dagdag pa nito sa isang online press briefing. 

Samantala, “Less than 5 percent” naman umano sa 221,000 na hanay ng kapulisan ang gumawa ng mga paglabag, giit naman ni PNP spokesman Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana noong Martes.

Mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 16, 2020, pinarusahan ng PNP ang 16,839 na mga personnel, sabi ni Roque. Kabilang dito ang:

  • 4,784 dismissals mula sa serbisyo 
  • 890 demotions
  • 8,349 suspensions
  • 658 salary forfeiture
  • 1,803 reprimands
  • 129 restrictions
  • 226 withholding of privileges 

Pag-aaralan naman aniya ng pamahalaan kung paano hihigpitan ang PNP recruitment service upang mapigilan ang pag-uulit ng malagim na insidente sa Tarlac.

Pinagbabaril ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca ang kanyang mga kapitbahay sa harap ng anak nitong babae matapos ang umano’y sagutan tungkol sa paggamit ng boga noong Linggo sa Paniqui, Tarlac. Nakunan ng video ang insidente at nag-viral ito sa social media, kung saan umani ito ng galit mula sa publiko.

“It takes only one of you to destroy the reputation and integrity of the institution,” paalala ni Roque sa mga pulis.

LATEST

LATEST

TRENDING