Duterte, umuwi ng Davao para doon ipagdiwang ang Pasko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Robinson Niñal (Presidential Photo)

Nakauwi na sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes upang doon ipagdiwang ang Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Dahil dito, sa nasabing lungsod na ginanap ang pagpupulong ni Duterte kasama ang IATF at sa pamamagitan na lamang ng videoconfering ang naging pagdalo ng nito sa ika-85 na Anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines. 

“Tradisyon naman sa Pilipino ‘yan o sa lahat na you have to be with your family — birthdays, mga events sa buhay ng tao na may significance sa family,” giit ni Duterte.

Taun-taon ay sa Davao pinipili ng pangulo na ipagdiwang ang Kapaskuhan.

Samantala, nakiusap naman si Duterte sa publiko na mag-ingat ngayong Pasko.

“Itong COVID, maghintay lang kayo. I said that there’s — ilang Pasko kayo naga-celebrate. Ngayon, isang Pasko lang hinihingi ng — hiningi ko in behalf of the nation because walang magandang lalaki dito ‘pag may COVID ka, may sakit ka,” paliwanag ni Duterte.

LATEST

LATEST