Mga mambabatas, naghain ng mga resolusyon para paimbestigahan ang mga patayan sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naghain ng resolusyon ang mga mambabatas noong Lunes upang ipanawagan ang pag-imbestiga sa serye ng mga patayan sa mga abogado, huwes, mamahayag, at iba pang sibilyan sa bansa.

Inaatasan ng Resolution No. 600 na inihain ng mga senador na sina Joel Villanueva, Sonny Angara, Nancy Binay, Grace Poe, Juan Miguel Zubiri, at Sherwin Gatchalian ang Senate committees na magsagawa ng investigation in aid of legislation tungkol sa mga nasabing insidente.

Nakasaad sa nasabing resolusyon na hindi bababa sa 15 katao ang pinatay mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.

Ang pinakahuling nadagdag sa lista ay ang pagpatay sa isang city health officer at ang kanyang asawa, sa Guihulngan City, Negros Oriental. 

“Her death decreased the number of physicians in Central Visayas, which has a doctor to population ratio of 2.43 for every 10,000 population,” pahayag ng resolusyon.

Nakasaad din na ang pagkamatay ng kahit isang doktor lamang sa bansa “ay lubos na makaaapekto sa bilang at kalidad ng medical service na maaaring ibigay sa mga Pilipino.”

“The series of killings in the past six months of at least fifteen people from members of various professions, including lawyers and journalists, and other members of the community, exacerbated by the fact that justice remains elusive for the victims and their families, highlight the need to launch an inquiry, in aid of legislation, to identify the gaps in law enforcement,” dagdag pa ng resolusyon.

Inihain ang resolusyon habang nahaharap sa kasong double murder ang pulis na si Jonel Nuezca dahil sa pamamaril sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Samantala, naghain naman ng resolusyon sa Kamara ang Makabayan bloc, upang ipanawagan ang pag-imbestiga sa pagpatay ng mag-inang Gregorio.

Ang walang bilang na resolusyong inihain noong Disyembre 21 ay nagbigay diin na hindi ito ang unang beses na pumatay ang isang pulis ng hindi aramdong sibilyan.

“It is imperative for members of Congress, as representatives of our people, to defend the rights of our people and check on excesses and violations committed against them, especially in this time of crisis,” wika ng naturang resolusyon.

LATEST

LATEST

TRENDING