Habang papalabas si ‘Vicky’ ng PAR, bagong LPA namataan sa Catanduanes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: DOST-PAGASA

Habang naghahandang lumabas ng bansa ang Bagyong Vicky, isang bagong low pressure area naman ang namataan sa Catanduanes noong Sabado ng umaga.

Sa 11 a.m. update nito, sinabi ng PAGASA na matatagpuan ang LPA sa layong 140 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Chris Perez, maliit ang posibilidad na maging tropical depression ang nasabing LPA sa susunod na 24 oras.

Samantala, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Kalayaan Islands sa Palawan dahil kay Vicky, kung saan posibleng maranasan ang hanggang 30 to 60 kilometers per hour na hangin sa lugar sa susunod na 36 oras.

Iniulat ng mga awtoridad noong Sabado na dalawang tao ang nasawi bunsod ng landslide sa Leyte at tatlo naman ang namatay matapos malunod sa Surigao del Sur dahil sa pananalasa ni Vicky.

Ang Bagyong Vicky ang ika-22 bagyong tumama sa bansa ngayong taon. Una itong nag-landfall sa Banganga, Davao Oriental noong Biyernes ng hapon at sa Puerto Princesa, Palawan noong Sabado ng gabi.

LATEST

LATEST