‘Yayariin ko sila’: Locsin, nagalit sa mga sangkot sa pagkaunsyami ng Pfrizer vaccine deal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Nangako si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na gagantihan ang mga umano’y naglaro sa buhay ng mga Pilipino matapos maunsyami ang pagkuha ng unang batch ng mga bakuna kontra Covid-19 na posibleng sanang nakarating sa bansa pagsapit ng Enero 2021.

“Opo at p*******a silang naglalaro sa buhay ng Pilipino. Yayariin ko sila,” giit ni Locsin sa isang tweet bilang tugon sa isang news report hinggil sa nakompromisong deal.

Sinabi naman ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nagpapatuloy ang negosasyon sa Pfizer, kasabay pagtangging nagkaroon ng problema sa procurement.

Hiningi ni Locsin ang tulong ni US Secretary of State Michael Pompeo upang matulungan ang Pilipinas na makapag-procure ng Covid-19 vaccines matapos hindi maisakatuparan ang orihinal na plano.

Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa telepono noong Biyernes ng gabi, umapela si Locsin para sa tulong ni Pompeo “upang makuha kahit kakarampot ng 10 milyong doses ng Pfizer matapos may maglaglag ng bola.”

Ayon kay Locsin, sinabi umano ni Pompeo na “gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya.”

“Great phone conversation with Mike Pompeo last night. Lotsa laughs at others. But on the most serious note I asked him to help Babe and I get back even a fraction of the 10 million doses of Pfizer after someone dropped the ball. He’ll give it his best try. Babe’s securing Moderna,” ani Locsin, na tinutukoy si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Nagbigay din ng reaksyon ang kalihim sa isang netizen na nagpasalamat sa kanya para sa kanyang mga naging hakbang tungkol sa isyu.

Aniya, “I’ll f**k them. These amateurs talk tough but they’re all fairies. Not a single one has had a real experience of real fighting. All talk.”

Sinabi naman ni Romualdez noong Biyernes na inabisuhan niya si Locsin na kausapin si Pompeo para tulungan ang Pilipinas na makabalik sa priority list para sa mga Covid-19 vaccines na ginawa ng Pfizer kapag mag-usap ang dalawa sa telepono.

Unang binanggit ni Locsin na ang unang batch ng vaccine supplies na dapat sana ay darating sa Pilipinas sa Enero ay napunta sa halip sa Singapore matapos may “maglaglag ng bola.”

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson kinalaunan na si Health Secretary Francisco Duque III ang tinutukoy ni Locsin.

LATEST

LATEST

TRENDING