Robredo, sinagot ang #NasaanAngBisePresidente, nagbigay ng updates sa pagbaha sa Mindanao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Naglipana ang iba’t-ibang tweets simula noong Biyernes ng gabi na nagtatanong sa kinaroroonan ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo matapos ang nangyaring malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Mindanao.

Subalit, sa halip na magalit, tinugunan ng bise-presidente ang katanungan at nagbigay pa ng updates sa mga binahang lugar sa Mindanao.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Robredo ang isang meme na laman ang kanyang larawan, mga binahang lugar, at ang hashtag na #NasaanAngBisePresidente.

“Andito po ako. Kanina pa kami nag cocoordinate sa areas na apektado,” giit ni Robredo sa caption ng kanyang post bago mag 7 p.m. noong Biyernes.

Nanawagan ang pangalawang pangulo ng panalangin para sa mga residente ng Agusan del Sur at Surigao del Sur kung saan nalubog sa pagbaha ang ilang kabahayan.

Ilang oras kinalaunan, nagbigay pa ng updates si Robredo hinggil sa pinsala ng pagbaha, habang inililista ang mga apektadong lugar sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, at Surigao del Sur.

Noong Sabado ng umaga, naging trending topic sa Twitter ang #NasaanAngBisePresident. Naging isa itong satire sa #NasaanAngPresidente, na naging trending naman bunsod ng pagiging absent umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong manalasa ang mga nagdaang bagyo .

Matapos tumama ang Bagyong Ulysses sa Luzon noong Nobyembre, inihayag ni Duterte na nais niyang “makipaglangoy” sa mga nasalanta ng pagbaha subalit hindi aniya siya pinapayagan ng kanyang doktor at ng Presidential Security Group.

Nagalit naman ito kinalaunan kay Robredo at inakusahan itong nagpasimuno sa #NasaanAngPresidente na hashtag – bagay na itinanggi naman ng bise-presidente.

LATEST

LATEST

TRENDING