Pamahalaan, sinag-ayunan ang Cagayan, Marikina flood control plans

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Aerial photo ng pagbaha sa Cagayan Valley bunsod ng Bagyong Ulysses

Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete ang mga planong pang-imprastraktura na layong pigilan ang pagbaha sa Marikina at Cagayan, kung saan na-trap ang mga residente sa bubungan ng kani-kanilang mga tahanan habang naghihintay na ma-rescue mula sa rumaragasang baha, giit ng Malacañang noong Huwebes.

Inaprubahan ng Duterte Cabinet noong Lunes ang mga sumusunod na rekomendasyon ng Build Back Better task force na namamahala sa typhoon rehabilitation efforts, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

  • Widening ng Magapit narrows at pagtanggal sa 19 sandbars ng Cagayan River
  • Pagtanggal ng illegal structures sa Marikina river
  • Fast-tracking sa proposed DPWH flood mitigation projects kabilang ang Upper Marikina Dam at Parañaque Spillway
  • Rehabilitation ng kasalukuyang mga floodgates at pumping stations at paggawa ng 7 flood control projects sa kahabaan ng Bicol River

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, co-leader ng task force, magsasagawa ng libreng dredging ang mga contractors, kapalit ang pagpapahintulot sa paggamit o pagbebenta ng buhangin sa mga lugar. Sila ay papatawan aniya ng 4-percent excise tax.

Ang mga contractors ay kinakailangang mga Pilipinong kumpanya.

Nang tanungin kung posibleng ibenta ang buhangin sa China, sumang-ayon ang kalihim. Nagsasagawa ang China na malawakang reclamation projects kabilang sa pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea, kung saan tinanggihan nito ang mga pag-angkin ng Pilipinas at nanghimasok pa sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

“Mayroon namang kasulatan d’yan na dapat hindi pupunta iyong nakuha nilang sand in some places na West Philippine Sea, Scarborough. May specified po na pupuntahan lang iyan,” sabi ng kalihim.

Ang West Philippine Sea ang EEZ ng bansa sa South China Sea.

Mayroong overlapping claims ang China, Pilipinas, Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan sa naturang mag karagatan na pinaniniwalaang mayaman hindi lamang sa marine resources kundi pati na rin sa gas at minerals.

LATEST

LATEST

TRENDING