DOH, hindi inirerekomenda ang paggamit ng face shields para sa lahat

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Kung tatanungin ang Department of Health (DOH), dapat aniyang magkaroon ng exemptions sa patakarang pagsusuot ng face shields bukod sa face masks tuwing lalabas patungo sa pampublikong mga lugar.

Sinabi ng ahensya noong Biyernes na ang mga taong may iniindang karamdaman ay posibleng mahirapan sa paghinga kapag pinilit magsuot ng face mask at face shield, giit ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing. Maaari rin itong makaapekto sa paningin ng ilang manggagawa.

“Hindi po natin nirerekomenda na gagamitin ang face shield kung ang isang tao ay mayroong specific na karamdaman na magkakaroon siya ng limitasyon sa paghinga,” ani Vergeire.

“Hindi rin natin siya nirerekomenda doon sa mga trabahong medyo magiging dangerous siya.”

“Baka magreflect doon sa face shield, magkaroon siya ng pagkalabo sa sight niya,” dagdag pa ni Vergeire.

Nitong linggo, inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), na ginawang mandatoryo ng policy-making body ang pagsusuot ng buong face shields together kasama ang face masks upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19. Noon, sinusuot lamang ang face shields kapag sumasakay ng pampublikong transportasyon o kapag pumapasok ng mall.

Sa huli nitong resolusyon na inilabas noong Biyernes, sinabi ng IATF na dapat bumuo ng consolidated advisory ang DOH, kasama ang iba pang kaugnay na ahensya para sa wastong pagsusuot ng face shields, kasama na ang “exclusions o exemptions, kung mayroon man.”

Bagama’t na-flatten na ng ibang mga bansa ang Covid-19 curve nito nang hindi nire-require ang face shields, pinanindigan ng DOH na makapagbibigay ito ng dagdag-proteksyon laban sa virus, na kumakalat sa pamamagitan ng respiratory droplets at exposure sa mga infected patients.

“What we are recommending right now is for people to use face shields, together with face masks and do physical distancing especially when you are in public places,” sabi ni Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING