Defensor, nagalit kay Velasco matapos mapatalsik sa kanyang chairmanship position sa Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor

Hindi ikinatuwa ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor noong Huwebes ang pagkakatanggal nito bilang chairman ng House Public Accounts committee, ilang buwan matapos palitan ang kanyang kaalyadong si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker. 

Inakusahan ni Defensor si House Speaker Lord Allan Velasco nang panghihikayat ng “distrust” sa mga representante sa Kamara. Sa unang dalawang buwan ng pamumuno ni Velasco, malaki na ang ipinagbago sa House leadership, tulad ng pagtanggal sa ilang mg kaalyado ni Cayetano sa kanilang mga posisyon.

“It is important that we as the House of Representatives protect the Filipino people’s trust in us as their elected officials. However, Speaker [Lord Allan] Velasco’s leadership is causing distrust of the Congress among Filipinos,” giit ni Defensor.

Naluklok si Velasco bilang pinuno ng Kamara matapos maunsyami ang balak ni Cayetano na manatili sa puwesto noong Oktubre.

Malaki ang ginampanang papel ni Defensor sa hakbang ni Cayetano para panatilihin ang pagiging pinuno ng Mababang Kapulungan nang tinanggihan nito ang mosyon ng Taguig Representative na ideklarang bakante ang House Speaker post.

Si Defensor ay pinalitan ni Probinsiyano Ako Rep. Jose Bonito Singson. Pagkatapos nito, binanatan naman ng napatalsik na kongresista si Velasco at sinabing nagpapakita umano ang Speaker ng “arrogance and unprofessionalism” sa kanyang naging hakbang.

“These actions show arrogance and unprofessionalism from Speaker Velasco and cause citizens to doubt his ability to lead the House at a time when we need unity,” diin ni Defensor.

Umasa umano si Defensor na mabibigyan ng “proper notice” bago ito sipain sa mula sa chairmanship.

“He also mishandled changing the chairmanship of the Public Accounts Committee by not even giving me proper notice, even when he had the opportunity to tell me while we were at a meeting together discussing investigations and bills lined up before the Committee,” dagdag pa ng kongresista.

LATEST

LATEST