Duterte, nagalit sa ‘imcompetent’ na toll regulator bunsod ng mga isyu sa RFID

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules sa government regulator na inatasang mangasiwa sa toll operations dahil sa ginagampanan nitong papel sa umano’y palpak na RFID system na nagdulot ng matinding trapiko sa Valenzuela City at mga karatig-lugar.

Sinabi ng pangulo sa isang briefing na dapat binusisi man lang ng Toll Regulatory Board ang efficiency ng RFID system bago nito pahintulutan ang North Luzon Expressway Corp. na ilagay ito.

Aniya, “Mayroon tayong regulator. That’s the purpose of having a regulatory board ‘yung toll. Ang problema ang regulator is another set of incompetent people, they should not have allowed a system right now to put into use without a trial for about 1 week and anticipate what could be the problem.”

“If you cannot perform what is expected of you, then the best that you can do for decency sake, resign, and do not wait to be fired because masakit iyan, mapahiya ka,” dagdag pa ng pangulo. 

Inihayag ni Duterte na naging buntungan ng sisi ang pamahalaan dahil sa kapalpakan ng RFID system.

“‘Yung failure n’yo would reflect on us,” he said. “Kami ang nagpu—- ina kasi alam naming may system but it was not tried,” giit ng pangulo.

Dagdag pa nito, “If there’s an innovation, you try to do it. Mag-dry run ka ng isang linggo, madaling araw na walang traffic at tignan ninyo . . . And on the day of the implementation, anak ka ng . . . Saan ka nakakita na doon pa ilagay ang sticker while the traffic cueing is almost also exponential, hanggang puwet na, dumating na sa Maynila?”

Samantala, sinabi naman ni Transportation Sec. Arthur Tugade na uutusan niya ang NLEX na alisin ang toll barriers kung gumagana nga ang RFID sensors.

“Tinanong ko kung ano ang penetration ninyo. Sabi nila 95, 98 percent. ‘Pag nagkaroon ng glitch, pila ‘yan. Sagutin n’yo na ‘yon kasi that’s a problem of the system . . . Why should you make the travelers ang public to suffer?” sabi ng kalihim.

“You bear the cost because that’s your system. Pag-aralan n’yo na ‘yan dahil ipapaalis ko ang barriers,” dagdag pa ni Tugade.

Humingi naman ng tawad sa si Tugade para sa mga naapektuhan ng isyu at sinabing kabahagi ito ng “birthing pains.” 

Idinagdag nitong isinusulong ng pamahalaan ang cashless toll collection upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19. Marami umanong toll collectors ang nahawa sa nakamamatay na sakit.

“May of this year, 270 of our toll operators nagka-Covid. Sila ‘yung nagbibilang ng pera, imagine mo ang spread niyan? Kaya doon na tayo sa cashless,” paliwanag ng kalihim.

Dagdag pa nito, “I express my apologies to the users of the tollways, the local government . . . That inconvenience caused is not designed, not intended . . . Consider what is happening now as what we call as birthing experience.”

Sinabi naman ng pangulo na kinokonsidera niya ang paglalagay ng mga dating sundalo upang pangunahan ang TRB.

Aniya, “If I see another glitch there… may memorandum pala kayo, saan ang mga tao?”

“Can I find them? Palitan ko na lahat. ‘Yung may experience na, ‘yung dumaang administrasiyon, I don’t care kung time ni Aquino, Arroyo . . . Hindi ko matanggap ang incompetence nyo,” diin nito.

“Itong Toll Regulatory Board kasi ang participation natin dito kayo.”

“I will get another one to do it for you and for me . . . Magtaka kayo bakit military. Kasi ang military bago mag-atake ‘yan may scout, there’s always a system in every battle,” paglilinaw ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING